Ilang milyong Pilipino ang nakakalat sa kabuuan ng Middle East, karamihan sa kanila nasa GCC or Gulf Cooperating Countries (Saudi Arabia, Kuwait, UAE, Oman, Bahrain, Qatar).
Dahil sa pinakahuling kaganapan (ang pagpatay ng America sa isang heneral ng Iran) sa Iraq, nagkaroon na naman ng nakakakabang sitwasyon na maaring maglagay sa mga OFWs sa nakaambang kaguluhan.
Ang ikinababahal ng pamahalaang Du30 ngayon ay ang isyu ng posibleng repatriation ng mga OFWs sa mga bansang maaring madamay sa kaguluhan.
Saan daw ba kukuha ng pondo. Paano isasakatuparan ang logistics ng pagpapauwi ng mga OFWs, etc. etc.
Sa totoo lang, kung magkagulo, wala naman silang magagawa para proteksyonan ang mga OFW kung hindi, marahil ipunin sa embahada at consulada o maaring sa mga magiging "evacuation centers" at tuluyan nang pauwiin.
Yung sabihing mong hindi madadamay kung sakaling lumala ang kaguluhan, hindi naman mamimili ang bala at bomba. Ano? Kung OFW iilagan? Pwede ba yun.
Walang ibang solusyon kung hindi ang mass repatriation.
Pondo? Saan ba napupunta ang kontribusyon ng mga OFW sa OWWA. Ako ng mahigit dalawampung taon na pero ni minsan di ko nagamit o napakinabangan ang kontribusyon ko (Salamat naman sa Allah).
Kung tutuusin, dapat malaki ang pera ng OWWA. Dahil ang kontribusyon natin, iniinvest nila yan so kumikita over time. Yun ang ginagamit sa pantugon sa mga claims ng ibang members. Pero baka naman me sobra pa. Kaso, ang nakakatakot baka pinagpyepyestahan lang ng pamunuan sa pamumudmod ng Bonus sa management at sa naglalakihang sahod ng mga executives nila.
Wag naman sana.
Ipagpatuloy pa rin natin ang pananalangin na sana naman hindi lumala ang sitwasyon.
Wag kalimutang mag comment sa post kung kayo man ay may kuro kuro tungkol dito.
Bilang isang OFW ano ang magiging desisyon ninyo kung sakaling mangailangan ng repatriation. Uuwi ba kayo o maystay?
Please comment.