Tuesday, January 7, 2020

Kaguluhan sa Gitnang Silangan 2020

Ilang milyong  Pilipino ang nakakalat sa kabuuan ng Middle East, karamihan sa kanila nasa GCC  or Gulf Cooperating Countries (Saudi Arabia, Kuwait, UAE, Oman, Bahrain, Qatar).

Dahil sa pinakahuling kaganapan (ang pagpatay ng America sa isang heneral ng Iran) sa Iraq, nagkaroon na naman ng nakakakabang sitwasyon na maaring maglagay sa mga OFWs sa nakaambang kaguluhan.

Ang ikinababahal ng pamahalaang Du30 ngayon ay ang isyu ng posibleng repatriation ng mga OFWs sa mga bansang maaring madamay sa kaguluhan.

Saan daw ba kukuha ng pondo.  Paano isasakatuparan ang logistics ng pagpapauwi ng mga OFWs, etc. etc.

Sa totoo lang, kung magkagulo, wala naman silang magagawa para proteksyonan ang mga OFW kung hindi, marahil ipunin sa embahada at consulada o maaring sa mga magiging "evacuation centers" at tuluyan nang pauwiin.

Yung sabihing mong hindi madadamay kung sakaling lumala ang kaguluhan, hindi naman mamimili ang bala at bomba. Ano? Kung OFW iilagan? Pwede ba yun.

Walang ibang solusyon kung hindi ang mass repatriation.

Pondo?  Saan ba napupunta ang kontribusyon ng mga OFW sa OWWA.  Ako ng mahigit dalawampung taon na pero ni minsan di ko nagamit o napakinabangan ang kontribusyon ko (Salamat naman sa Allah).

Kung tutuusin, dapat malaki ang pera ng OWWA.  Dahil ang kontribusyon natin, iniinvest nila yan so kumikita over time.  Yun ang ginagamit sa pantugon sa mga claims ng ibang members.  Pero baka  naman me sobra pa.  Kaso, ang nakakatakot baka pinagpyepyestahan lang ng pamunuan sa pamumudmod ng Bonus sa management at sa naglalakihang sahod ng mga executives nila.

Wag naman sana.

Ipagpatuloy pa rin natin ang pananalangin na sana naman hindi lumala ang sitwasyon.

Wag kalimutang mag comment sa post kung kayo man ay may kuro kuro tungkol dito.

Bilang isang OFW ano ang magiging desisyon ninyo kung sakaling mangailangan ng repatriation.  Uuwi ba kayo o maystay?

Please comment.

Friday, August 17, 2012

Baha sa manila...sanhi nga ba ng kapabayaan?

Yan, yan na nga ba ang sinasabi ko.

Dapat talagang mas malalim ang maging imbestigasyon sa mga bahang ito.  Sino ba ang mga taong dapat tanggalin?

Basura at bara sa mga daluyan ng tubig ang dapat patuuunan ng mga awtoridad.  They have to have a continuing effort to make sure that all esteros, rivers, lagoon etc, are clear of obstruction.

Isa pang dapat pagtuunan ay ang waste management.  Local officials have to be more aggressive in their efforts to educate their communities sa tamang disposal ng mga basura.

Sana rin ay suportahan ng pamahalaan ang mga iba't ibang proyekton ng mga individuals or NGOs  on recycling.

Simpleng solusyon sa mga problemang mas malaki ang naidudulot ng pinsala kung sana ang unang hinarap ay prevention, hindi skin deep  temporary solution.

Convicted Jailed Criminal Rolito Go.... escapee or kidnap victim

Si Rolito Go ay isang prisonero sa NBP, so pano sya makikidnap kung nasa kalagitnaan sya ng preso.  Sabihin pa nating nasa minimum-security sya o nasa live-out, just the same, nasa compound pa rin sya ng preso.

Pano sya nailabas at pano nakapasok yung sinasabi niyang kidnapper nya.

Malaki ang implication nito sa security flaws sa NBP.  Kailangang managot ang mga bantay at superintendent, dahil nagpapatunay lang ito, na again natutulog sila sa trabaho.

Si Rolito Go naman, kahit mamatay sya sa kulungan okay lang.  Imagine, yung taong binaril nya sa ulo, nakasalubong nya lang sa one way street, at si Go ang nasa mali!

Anong humanitarian reason?  Mas magtatanda ang mga gustong gumawa ng krimen kung makikita nilang walang pagbibigay sa mga tahasang kriminal na tulad ni Go.