Si Rolito Go ay isang prisonero sa NBP, so pano sya makikidnap kung nasa kalagitnaan sya ng preso. Sabihin pa nating nasa minimum-security sya o nasa live-out, just the same, nasa compound pa rin sya ng preso.
Pano sya nailabas at pano nakapasok yung sinasabi niyang kidnapper nya.
Malaki ang implication nito sa security flaws sa NBP. Kailangang managot ang mga bantay at superintendent, dahil nagpapatunay lang ito, na again natutulog sila sa trabaho.
Si Rolito Go naman, kahit mamatay sya sa kulungan okay lang. Imagine, yung taong binaril nya sa ulo, nakasalubong nya lang sa one way street, at si Go ang nasa mali!
Anong humanitarian reason? Mas magtatanda ang mga gustong gumawa ng krimen kung makikita nilang walang pagbibigay sa mga tahasang kriminal na tulad ni Go.
No comments:
Post a Comment